Buwan ng Wika, Simbolo ng Pagkakaisa!

Isang simple ngunit natatanging pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang naging simbolo ng pagkakaisa para sa lahat. Bawat antas ng mga estudyante sa pribadong paaralan ng NVC ay nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang: “Filipino, Wikang mapagbago na ginanap sa NVC Gym. Sinimulan ang nasabing pagdiriwang ng Departamento ng Elementarya na ginanap noong Agosto 30, 2017sa ganap na ala una ng hapon. Sinundan naman ang pagdiriwang ng Departamento ng Kolehiyo na ginanap noong umaga ng Agosto 31, 2017 at ipinagpatuloy din ng Departamento ng Pansekondaryang Edukasyon sa hapon.

Isang damdaming maalab at makabayan na may sapat na kamalayan ang nanaig sa bawat estudyante habang nagdiriwang ng nasabing selebrasyon. Mula pa lamang sa Departamento ng Elementarya ay ipinakita na ng mga mag-aaral ang kanilang kahusayan sa Sabayang Pagbigkas, Pagtula, Pagsayaw ng Katutubong Sayaw at sa Pagbigkas ng Tula nang Madamdamin. Naipamalas agad ng mga mag-aaral ang pagpapahalaga nila sa Wikang Pambansa sa pamamagitan ng kanilang mga katutubong kasuotan. Pinangunahan ang kanilang programa ng dedikado nilang punong-guro na si Gng. Aleen Frances Q. Fernandez, kaagapay ng kaniyang mga butihing guro ng nasabing departamento.

Mula sa pluma ni Rizal patungo sa pagsasatitik nito sa kanyang mga nobela ay napaigting sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang husay sa pagganap g mga iba’t ibang gawaing pangtanghalan katulad na lamang sa sabayang pagbigkas, Interpretatibong Sayaw, Katutubong Sayaw at Balagtasan. Sa pamamagitan nito, napukas ang interes at damdaming makabayan ng mga estudyante. Ibayong suporta ang ibinigay ng pangulo ng NVC na si Allan Angelo L. Quimpo at ng Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, Dr. Marianne Lao Quimpo kaagapay ng masuporta nilang tagapayo na si Gng. Erlinda Losa-Bautista. Nagpaganda din sa programa ang pagkakaroon ng panauhing pandangal na si Prof. RJ Ampoyos, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura.

Noong iwagayway ang watawat nang magkaroon ng kalayaan ang bansang Pilipinas ay kasabay din nito ang nakadugtong na damdamin sa mga bagong henerasyon. Ipinagpatuloy ng Departamento ng Sekondaryang Edukasyon and pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paligsahan sa Balagtasan, Pagbigkas ng Tulang Madamdamin, Isahang Pag-awit, Katutubong Sayaw at pagpapamalas ng mga nag gagandahang katutubong kasuotan ng mga estudyante at guro. Ipinakita ng kanilang butihing punong-guro na si Bb. Katherine B. Delfin, ang suporta para sa ikatatagumpay ng nasabing programa kaagapay ang kanyang mga dedikadong guro.

Sa kabuuan, ipinapakita lamang nito na kahit magkaiba ang Departamentong kinabibilangan ng mga estudyante, nagkaisa sila sa pagpapahalaga sa pagdiriwang ng Buwang ng Wikang Pambansa. Tunay ngang ang wika ang siyang tulay upang magbuklod-buklod ang mga tao at magkaroon ng pambansang kalayaan, pagkakaisa at pambangsang pagkakakilanlan.

 

-Lorie Jane Ambrosio

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *